Hanggang sa muli, Darwin ’16-17


March 14, huling klase. Napahinga ang kaluluwa ko sa kaingayan niyo ng sampung araw. At kanina nabulabog na naman ako. Oo nakakainis. Pero nakakamiss din pala.
Medyo ngayon lang nagsink-in sakin lahat, na hanggang dito na nga lang. Magkakahiwalay na tayo, at sa susunod na taon na makikita ko kayo ay kasama niyo narin ang mga bagong kaibigan at pamilya niyo. 
Sana na sampung buwan na naging nanay niyo ako, may mga bagay kayong natutunan kahit papaano. Sana sa mga panahong naging maluwag ako sainyo, naramdaman niyo yung tiwala na gusto kong maramdaman niyo. At sa mga panahong naging mahigpit ako, matandaan niyo na ayoko lang na makalimutan niyo ang mga responsibilidad at limitasyon niyo.

Mahirap din pala masyadong mapalapit, parang ayaw mo na silang iwan. Pero ganun talaga ang buhay. May mga bagay na dadaan at ipaparamdam sayo kung gaano ka kaswerte sa buhay. At yun yung naramdaman ko nung nakasama ko kayo.  Kahit pinasakit niyo ang ulo ko madalas, nabawi din lahat dahil sa mga efforts niyo para mapasaya ako, at kapag nagtatagumpay kayo. 

Darwin, salamat sa lahat, sa pagpapadama sakin na espesyal ako at mahal niyo ako sa kabila ng lahat ng  kahinaan ko. Tandaan niyo na habang buhay na kayong magiging parte ng buhay ko. At wala nang makakapantay sainyo dito sa puso ko 😍 

Mahal na mahal kayo ni Ms. Lette. 

Hanggang sa muli, Darwin Batch 2016-2017. 

Advertisements